Advertisement

Barko Nawala sa Bermuda Triangle at Lumitaw After 90 Years

Share it:
Taong 1925 nang biglang mawala ang isang Cargo Vessel sa Bermuda triangle. Ang Bermuda Triangle o ang tinatawag na Devil's Triangle. Sa buong mundo, Kilala ang Bermuda Triangle bilang isang misteryosong karagatan dahil sa pagkawala ng mga eroplano at mga barko na napapadaan dito. At ang nakakapangilabot dito ay walang nakikitang bakas ng mga ito .


Dahil sa mga ganitong pangyayari ay iba't ibang paniniwala ang lumabas tungkol sa misteryosong Bermuda triangle. May mga nagsasabi na ito ang sentro ng gravity ng mundo kung kaya't hinihigop nito ang mga eroplanong napapadaan, ang iba nagsasabing isang malaking halimaw ang nakatira dito. Isang malaking butas naman ang sinasabi ng iba na humigop sa mga barkong nawawala. At ang paniniwala tungkol sa mga alien.


Isa ang barkong SS cotopaxi sa maraming barko na nawala sa Bermuda Triangle. Nov 29,1925 nang bumyahe ang barkong ito lulan ang tatlumpu't dalawang crew at ang captain na si W.J Meyer. Lulan din ng barko ang humigit kumulang tatlong libong tinuladang coal o uling. Makalipas ang dalawang araw ay biglang nawala ang  connection nito. Hindi narin makontak ang kapitan o kahit isa man sa mga sakay nito. Lumipas ang 90 years, walang balita sa barkong ito, kahit ang mga sakay ng
barko hindi narin nakita kahit isa man sa kanila.


Hanggang isang araw, May 16,2015 nang lumitaw ang isang barko. Namataan ito ng mga Cuban coast guard sa labas ng isang restricted zone sa hilagang bahagi ng Havana. Ang barko ay kinakalawang na at ang hinala nila ay daang taon na itong abandunado. Nang icheck nila ang loob ng barko ay wala silang nakitang tao dito, ngunit laking gulat nila sa mga na kanilang nakita, mga dokumentong nagpapatunay na ang barkong iyon ay ang SS cotopaxi na nanawala syam na pung taon na ang nakakalipas.

Ayon sa isang Cuban expert ang mga dokumentong nakita sa barko ay authentic at isa dito ang logbook ng kapitan ng barko. Naglalaman ang logbook ng mga impormasyon tungkol sa araw araw na buhay ng mga crew sa loob ng barko, ngunit hanggang dec 1 lang ang huling information na nakatala dito, huling araw na nakontak ang barko. At the end, wala silang nakitang anumang clue sa mga dokumentong ito tungkol sa mistersoyong pagkawala ng barko.

Maraming mga balita at artikulo ang nagpapatunay sa kwentong ito ngunit meroon ding nagsasabi na hindi totoo at fake news lang ang muling pagpapakita ng SS cotopaxi matapos ang 90 years. Totoo man ito o hindi, isa lang ang matitiyak natin, misteryoso itong nawala sa karagatan.



Share it:

education

facts

Post A Comment:

0 comments: